Tuesday, July 7, 2015

Moments with Rhian Dec 9, 2009

Ito na kwento ko nung moment ko daw with Rhian on the phone…hahaha (Moment nga naman pala yun kaso nga lang INVI mode ako sa moment…hahahaha)

Natulog ako ng Sunday afternoon after SOP, ung may STH fans day. Kasi nga palagi na lang ako puyat. Pero konting tym lng ung tulog ko, mga 20mins lang ata yun kasi biglang ngring yung phone ko… kaya nagising ako…haha ang lakas nung sound kasi naka off na yung TV. Si rach yung tumawag, pagka hello ko, sabi ni rach, may ipapakausap daw siya, kausapin ko daw. Akala ko naman si lalaine at shane yung ipapakausap kasi before this call, katext ko si rosch, nagcall daw sa kanya yung mga cyberhians na nasa STH fans day… ayun nga, binigay na ni rach ung phone… sabi ko ‘hello’… syempre ng -hello din si rhian.. syempre di ko pa alam ang mga boses ng cyberhians kaya naman tanong ko agad ‘sino ‘to?’ pero after 3sec, prang narealize ko n bka nga si rhian…hahaha yun nga, nagsalita na si rhian..sinabi nya name nya..”RHIAN” haha ako naman natatawa sa sarili ko after kasi parang no reaction naman ako nung narinig ko na si rhian yung kausap ko… my halong pagkabigla na bagong gising ata ako kaya ganun… 

Sabi ni rach, narinig daw nila na sinabi ni rhian ung name ko “Jeeezzzzzz” haba dw ...hahaha pero sa totoo lang, di ko maalala na sinabi nya un…hahaha (baka shock mode ako) ..
Syempre, mustahan… “musta?”

Ask nya ako kung asan daw ako…sabi ko nasa bicol… sabi nya “Bakit?”… napaisip ako..anong bakit? Hahaha …pero ang sinabi ko syempre “syempre dito ako nakatira..”hahaha (nakasmile ako nito kasi ba naman, of all the questions “bakit?” talaga…) tapos si rhian naman nagside comment, “talagang tinanong kung bakit” tapos tawa sya..hehe…. Ask ko sya kung san mom nya dito sa bicol… sabi nya wait lng… tinanong nya si ate charie daw sabi ni rach… ayun nga sa Naga pala… sabi ko “ahhhh… malayo”… sabi nya “malayo ba?” sabi ko..”medyo, 2hours, dito ako sa legazpi…”

Tinanong nya ako kung malapit ba daw ako sa Donsol… sabi ko “uhmmm…. Medyo din, mga 2hours” … sabi nya “ahh… 2hours din pla…” nagkwento sya about sa Donsol… pumunta daw sila dun… prang pinuntahan ata nila yung shark… sinasabi nya yung local term nung shark ‘di nya masabi… kaya sabi ko… “Oo, yung ‘butanding’ ”…. (*lam nyo ba kung ano ang butanding? Whale shark…hehehe… dinadayo yan dito ng mga foreigners… mostly, nagddive talaga para makita yung butanding…)

Next, nagside comment si rhian, my ippost daw si rach n pictures namin ni rhian… (napaisip ako… medyo nataranta nga ako e…hahaha kung ano2 na ang inisip ko within seconds habang my mga side comments sya…hahaha) sabi ni rhian…binabackstab ka ni Rachel oh, ippost daw mga pix natin…tawa sya ng tawa dito… sabi ko… “anong pic yan? Binabackstab ako ni rach?!? Si rach talaga!!hahaha” (sa totoo lang, d ko masyado naintindihan itong part, nagiisip tlg ako kung anong pic yun…hahahaha) …. After ko nalaman na sina Rachel pala pinipicturan si rhian habang naguusap kami…hahaha mga adik… di ko yun naisip…hahaha

Tapos sabi ni rhian, “bakit di ka pumunta dito…punta ka na dito sa GMA … malapit lang 5 minutes, walking distance lang. hahaha” syempre tumawa rin ako dito… di ko lubos maisip kung paano naging walking distance ang bahay ko at ang GMA…hahaha… pero pwd naman ata… kasi GMA naman palagi ang nasa TV namin eh, parang ang lapit na lang tlga ng GMA…hahahahahahaha

Yan lang naalala ko… wala na akong matanong eh, nakalimutan ko ung iba kong sinabi na..basta binigay na nya kay rach ulit yung phone…hehehe

Feeling ko that time: feeling ko hindi artista yung nakausap ko… parang magkakilala na kami… ang flow ng conversation parang natural na natural lang… di ka maiilang kay rhian makipag usap… yung d ako masyadong kinakabahan… kung expected ko siguro yung call, pwedeng bago ko makausap sya grabeng kaba na… eh nagkataong unexpected talaga, at samahan mo pang bagong gising ako.. na kulang ang tulog… kaya ata di ako na hyper…hahahaha pero buti naman tlga d ako na hyper… kung nagkataon..nakakahiya naman..hahaha

After: medyo shock mode muna akong 30secs…hahahahaha nakangiti n parang ewan… ayun, parang nakalimutan ko lahat ng pinagusapan namin… hahaha na refresh na lang ako dahil kay rach…hahahaha …That’s all folks!

Ito na yung pic: thanks sa mga cyberhians! at kay rhian! hehe

 *Photo Not Found*


Screencap
Original Post


No comments:

Post a Comment